Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay

Sabado, November 24, 2018


HELE NG INA SA KANIYANG PANGANAY

Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay
A Song of a Mother to Her Firstborn salin sa Ingles ni Jack H. Driberg
Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora




  PAGKILALA SA MAY AKDA

       Si Jack H. Driberg ay naging parte ng Uganda Protectorate noong 1912 at nagsilbi sa Anglo-Egyptian Sudan. Isinulat niya ang The Lango: A Nilotic Tribe of Uganda noong 1923. Habang nasa Uganda Protectorate, siya ay namuhay kasama ng mga Langi sa Uganda at naisulat niya ang The Lango: A Nilotic Tribe of Uganda. Ito ay tungkol sa Etnograpiya patungkol sa mga Langi kagaya lamang ng mga diksyonaro, pabula at iba pa.
      
        Ang nag udyok sakanya upang isulat ito ay ang kaniyang magagandang karanasan habang naroon sa lugar na iyon. Ang kaniyang mga karanasan ang naging inspirasyon upang maisulat ang “The Lango: A Nilotic Tribe of Uganda.


 URI NG PANITIKAN
 
        Ipinakikita sa tula ang isang tula na isinasagawa sa bagong sila na sanggol ang tula na ito ay nag mula sa isang tribo na napuntahan ng may akda. Ang tula mayroong malayang taludturan. Gumamit ng kultura ang manunulat kung saan ang mga kababaihan noon sa tribong Lango o Didinga ng Uganda ay lumikha ng mga tula na kanilang inaawit. Ito ay mga matatamis at magigiliw na pananalita. Inuulit-ulit ito pampaamo sa anak at para ipahayag ang pagmamahal ng isang ina para sa kaniyang anak. Nakaugalian na ito ng mga kababaihan, naniniwalang ang kanilang mga anak o supling ay tila imortalidad ng kanilang mga magulang.


        Ang paggamit ng angkop at matatalinhagang salita ay nakatulong din sa pagpapaganda ng tula. Ito ay nakakapukaw ng damdamin ng mambabasa . Nakapupukaw ito dahil dito natin nakikita kung paano pinahahalagahan ng bawat ina ang kanilang mga anak, nakikita rin kung gaano nila ka-mahal ang kanilang mga anak.


 LAYUNIN NG AKDA

       Isa sa layunin nito ay ang makita ng mundo ang tradisyon o kultura sa isang bansa katulad ng ginawa ng may akda. Ang akda ay nagpapakita ng pagpapahalaga ng isang ina sa kanyang anak at ang wagas na pagmamahal at kahalagahan ng buhay ng isang tao mga ekspektasyon at hinahangad ng kani kanilang magulang.


 PAGLALAPAT NG TEORYANG PAMPANITIKAN
       
        Mailalapat ang TEORYANG KLASISMO sa tula. Ito ay naghahayag na ang isang akda ay hindi naluluma o nalalaos sapagkat ito ay may bisa sa pagyayabong ng kaisipan ng tao. Kaya Klasismo sapagkat iyong tula na iyon lumipas man ang panahon hindi makakalimutan sapagkat hindi kumukupas ang pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak katulad ng nasa tula at maraming ina na nangangarap sa kanyang anak na katulad ng tula na ito. Malaking tulong din ito sa mga magulang puwede itong maging gabay sa buhay sa pagpapalaki ng kanilang anak at pagiging ina sa isang anak.
 


       Maari ding mailapat ang TEORYANG HUMANISMO at TEORYANG REALISMO. Humanismo sapagkat naipapakita na tao ang sentro ng tula na ito. Realismo sapagkat naoagiiwanan na ang mga tribong ganito dahil sa mga kultura at tradisyon nila, ngunit wala tayong magagawa roon sapagkat ito ang kanilang paniniwala , kultura , tradisyon.


 TEMA O PAKSA NG AKDA
     
        Ang tema ng tula ay ang mga sumusunod: pagpapahalaga sa anak, wagas na pagmamahal ng ina, kultura ng isang lugar, paano nabubuhay ang isang tribo, pagsasakripisyo ng mga magulang sa anak at ang kagandahan ng kultura sa bawat bansa.


MGA TAUHAN/ KARAKTER SA AKDA

       Ginamit ng may akda ang unang panauhan upang mas maintindihan at maramdaman ng mga mambabasa ang damdamin ng persona at pahalagahan ang pagmamahal at sakripisyo ng isang ina.
Naging makulay at malikhain ang paglalarawan ng tauhan sa tula.Naging masining ang pagpapakilala sa tauhan dahil ito ay makatotohanan



 TAGPUAN/PANAHON
      
       Nasabi sa tula na sa paglalakbay ng may akda sa Lango siya ay naimpluwensiyahan mula sa kanyang mga karanasan dito at masasabing ang tagpuan ay makatotohanan. Nakita sa tula ang iba't ibang kultura ng isang tribo na mas nakatulong upang mas maintindihan ng mambabasa ang panahon at tagpuan ng tula


 NILALAMAN O BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI


        Kapag binasa mo ang tula, mapapansin mo agad ang aruga at pagmamahal ng isang ina sa kaniyang anak. Kapag sinuri mo pa ito mapapagtanto mo na hindi lamang ito isang tula upang awitin ng ina para sa kaniyang anak mapapansin mo na  ito ay tula na inaawit upang maipahayag ang mga nais, buong pusong pagmamahal, pagpapahalaga, sakripisyong kayang ibigay ng magulang at pagpapaamo ng Ina sa kaniyang anak.
        
         Ang mga pangyayari sa tula ay makatotohanan sapagkat, ito ay tunay na karanasan ng may akda. Ito ay kultura at tradisyon ng isang tribo sa Africa na napuntahan ng manunulat. Isinasagawa ito ng isang Ina upang mabigyang halaga ang bawat aspeto ng buhay ng kaniyang anak na bagong silang.





 MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA

        -Ang kahalagahan ng isang tao o bagay ay napagtatanto lamang kapag nawala na ito kaya dapat pahalagahan malaki man o maliit bata o matanda.
        -Lahat ng bagay nagsisimula sa paghihirap bago makamit ang tagumpay parang sa buhay walang madaling daan kailangan daanan lahat ng pagsubok upang makamit ang tagumpay sa pamamagitan ng tamang daan.
        -Dapat laging tandaan na kung wala ang ating mga magulang wala din tayo sa mundong ito kaya dapat silang pahalagahan sa kabila ng kanilang paghihirap at pag pagtitiyaga upang mapalaki tayo ang maisusukli na lang natin ay pagmamahal.
        -Dapat laging tandaan na kung wala ang ating mga magulang wala din tayo sa mundong ito kaya dapat silang pahalagahan sa kabila ng kanilang paghihirap at pag pagtitiyaga upang mapalaki tayo ang maisusukli na lang natin ay pagmamahal.



 ESTILO
       Habang binabasa ang tula tila malalalim na salita ang iyong naririnig sa bawat kataga . Ngunit dahil mahusay ang paggamit ng kakaibang estilo ito ay naging mas kaaliw aliw basahin at mas madaling intidihin ng mga mambabasa. Malikhain ang pagsasalaysay ng may akda dahil ginamitan niya ito ng paglalarawan  at mas madaling unawain ang mga salitang ginamit. Gumamit siya ng iba’t ibang simbolo upang mas maipahayag ang nais niyang maunawan ng mga mambabasa.





 BUOD
        
         Ang tula ay tungkol sa pagmamahal ng isang ina sa kaniyang anak. Ipinakikita dito na napakahalaga ang maingat na pagpili sa pangalan sa isang anak ng isang miyembro ng isang tribo. Nagpapakita rin ito ng mga pangarap ng isang ina para sa kaniyang anak, panghuhula nito sa magandang kinabukasan at ang maaaring positibong dulot nito sa kaniyang mga magulang.


Comments

  1. Replies
    1. ano-anong bagay ang inihambing sa sanggol? paki sagot po :)
      at bakit ito ang mga ginamit sa paglalarawan sa katangiang taglay niya?

      Delete
  2. Ano po ang ibig sabihin ng linya na "Paano kita pangangalanan, aking inakay?
    Ikaw ba'y lahi na iyong lahi o naiibang nilalang?"

    ReplyDelete
    Replies
    1. gusto ng magulang niya na ang kaniyang anak ay hindi lamang ordenaryo na tao sa kanilang tribo kundi mas mataas na ranggo sa kanila at kilala ng lahat

      Delete
  3. Ano po ang nilalaman at mga simbolismo at matalinghagang salita sa part na to?


    Munting mandirigma, paano ka namin pangangalanan?
    Masdan ang pagbubuskala sa pagkakakilanlan.
    Hindi hamak na ngalan sa iyo’y ibibigay,
    Hindi ka rin ipapangangalan sa iyong amang si Nawal sapagkat ika’y panganay.
    Higit kang pagpapalain ng poon at ang iyong kawan.
    Ikaw ba’y tatawaging “Hibang” o “Kapusugan?”
    Ikaw ba’y tatawaging waring dumi ng baka na “anak ng kamalasan?”
    Ang poo’y di marapat na pagnakawan,
    Sa iyo’y wala silang masamang pinapagimpan.
    Ika’y kanilang pinaliguan at dinamitan ng kagandahan.
    Ika’y biniyayaan ng mga matang naglalagablab.
    At ang pambihirang pangungunot ng iyong kilay
    Ay hindi ba palatandaan na ika’y maingat nilang pinanday?
    Yaman ni Zeus at Aphrodite sa iyo’y kanilang inalay.
    At ang katalinuhang nangungusap sa iyong mga mata,
    Maging sa iyong halakhak.
    Paano ka pangangalanan, aking inakay?
    Ikaw ba’y lahi na iyong lahi o naiibang nilalang?

    ReplyDelete
  4. Bakit Kaya isinulat Ang AKDANG ito?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Upang ipakita sa ating mga kabataan na kung paano nga ba pagmahal at mag-aruga ang isang ina sa kaniyang anak,at kung gaano nga ba kataas ang mga pangarap sa ating ng ating ina.

      Delete
  5. Ilarawan ang lipunang mayroon ang may-akda. Nanaisin mo rin ba sa ganitong lugar?

    ReplyDelete
  6. Mga simbolismong ginamit sa hele Ng ina sa kanyang panganay

    ReplyDelete
  7. Ano ang makapagbibigay ng kagalakan sa ina?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang kanyang panganay na anak na lubos niya itung minahal.

      Delete
  8. Mga simbolismong sumasalamin ng ina at anak sa tulang hele ng ina sa kaniyang

    ReplyDelete
  9. ano ang kahulugan ng "Nagbabalak nang humawak ng panulagna matalim.Aking giliw, ngalan ng mandirigma sa'yo ilalaan, naumuno sa kalalakihan".

    ReplyDelete
  10. Ano nga nagpapakita ng simbolismo ng Ina at ng kanyang anak?

    ReplyDelete
  11. Paano niyo po ilarawan ang sukat at tugma ng tula?

    ReplyDelete
  12. Ano po ang kahalagahan sa sarili, lipunan at sa daigdig?

    ReplyDelete
  13. Sa Ano anong bagay inihambing ang sanggol? Bakit ito ang mga ginamit sa paglalarawan sa katangiang taglay niya?

    ReplyDelete
  14. Kalagayang panlipunan sa masasalamin sa tula

    ReplyDelete
  15. Ay hindi ba palatandaan na ika'y maingat nilang pinanday? Yaman ni Zeus at Aphrodite sa iyo'y kanilang inalay. ano po ang bisang pangkaisipan at damdamin po dito?

    ReplyDelete
  16. LuckyDays Casino - JamBase
    충청북도 출장마사지 luce › luck_day 의정부 출장샵 › luce › luck_day LuckyDays Casino. Add to List. 경주 출장안마 1. New Casino Bonus for LuckyDays 경주 출장안마 Casino. New Casino 양주 출장안마 Bonus for LuckyDays Casino. Create Account. Last Update. LuckyDays

    ReplyDelete
  17. Ano ang nangyari sa ama ng sanggol?

    ReplyDelete
  18. Anong kultura ng mga taga-Uganda ang masasalamin sa tula?

    ReplyDelete
  19. Paano ipinakita sa tula ang labis na pagmamahal ng ina sa kanyang anak? Isulat ang bawat taludtod na magpapatunay rito.

    ReplyDelete
  20. Ano ano ang mga katangian ng Ina sa tula?

    ReplyDelete
  21. Ano po ang nilalaman at mga simbolismo at matalinghagang salita sa part na to?
    Munting mandirigma, sinong anito sa iyo’y nananahan? Kaninong mapagpalang kamay ang sa aking dibdib dumantay? Sinong yumuyungyong sa iyo’t nagpapasigla ng buhay? Ikaw ba’y kanlong ng kapayapaan? Ngunit ika’y tila leopardong nasa palumpong at tumatanaw. Hayaan, sa araw na yao’y iyong ibubuyangyang. Aking supling, ngayon ako’y nasa kaluwalhatian. Ngayon, ako” y ganap na asawa. Hindi na isang nobya, kundi isang ina. Maging maringal, aking supling na ninanasa. Maging mapagmalaki kaparis ng aking pagmamalaki Ika’y magbunyi kaparis ng aking pagbubunyi.
    Ika’y irugin kaparis ng pagliyag na aking nadarama.

    ReplyDelete

Post a Comment